top of page
WINNER - DEREK- ‘DI AKO NAGDA-DRIVE NG CAR NA MAY FAKE PLATES_IG _ramseyderek07.jpeg

Mister’ nakaaway.. 23-anyos na bebot nagbigti, dedo

  • Maeng Santos
  • Feb 18, 2020
  • 1 min read

Isa 23-anyos na bebot ang nasawi matapos magbigti makaraang magkaroon sila ng hindi pagkakaunawan ng kanyang live-in partner sa Navotas City, kamakalawa ng hapon.

Kinilala ang biktima na si ‘Shaira’, 23, ng Bgy. NBBS. Sa nakarating na ulat kay Navotas Police Chief P/Col. Rolando Balasabas, alas-2:30 ng hapon nang madiskubre ang biktima ng kanyang live-in partner sa loob ng kanilang kuwarto na nakabigti sa double deck gamit ang kumot.

Dahil wala ng buhay ang biktima ay hindi na ito dinala sa ospital at ipinaalam na lamang sa mga tauhan ng PCP-4 ang insidente na nirespondehan nina PCpl. William Duca at PCpl. Ronnie Mansibang.

Nauna rito, nagkaroon umano ng hind pagkakaunawaan ang biktima at kanyang live-in partner habang ayon naman sa pahayag sa pulisya ng mga kamag-anak ng nasawi, ilang beses na itong nagtangkang magpakamatay.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page