Luxury hotels, buking na ginagawang Prostitution Den ng mga Chinese POGO operators
- Pabs Hernandez III
- Feb 18, 2020
- 2 min read
SANGKATERBANG LUXURY HOTELS, PROSTITUTION DEN NA NG MGA POGO—Sa pagdinig sa Senado ay ibinulgar ni NBI Anti-Organized and Transnational Crime Division Chief Joel Tuvera na marami na raw kababaihan na ginagawang prostitutes ng mga Chinese na Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs) owners ang kanilang na-rescue sa mga luxury hotels na Okada Manila, Midas Hotel, Eurotel Hotel, St. Giles Hotel at Red Planet Hotel sa Pasay City at Las Piñas City.
Aba, dati ang mga hotels na ‘yan ay pangpamilya at pangturista lang, ngayon ay ginagawa na ring prostitution den ng mga POGO owners, boom!
****
SINGILIN NI P-DUTERTE ANG P50 BILYONG UTANG SA TAX NG MGA POGO OWNERS PARA SOLVE NA ANG P30 BILYONG BUDGET SA MGA BIKTIMA NG BULKANG TAAL—Sa laki ng pinsalang naidulot ng pagsabog ng Bulkang Taal ay hinirit ni P-Duterte sa Kongreso na maglaan ng P30 billion supplemental budget para sa pagbangon ng Batangas.
Samantala, nitong nakalipas na pagdinig sa Senado, inamin ni BIR Deputy Comm. Sixto Dy na P50 bilyong tax daw ang hindi binayaran sa gobyerno ng mga POGO owners last year (2019).
Ganu’n? ‘Sus, gamitan lang ng kamay na bakal ni P-Duterte ang mga POGO owners para masingil ang P50 bilyon, aba, hindi na kailangan ang P30 bilyong supplemental budget ng Kongreso dahil solve na ang budget sa pagbangon ng Batangas, period!
****
“GUERILLA-JUETENG” SA CAMSUR, ARANGKADA NA—May mga nage-”guerilla operations” daw ngayon ng jueteng sa Camarines Sur.
Paging PNP-Region 5 Director Gen. Anthony Alcaneses at Camarines Norte PD Col. Roderico Roy, pagto-"tokhangin” n’yo na ang mga nagpapa-jueteng sa jurisdiction ninyo kasi kapag tropa ni PNP-Integrity Monitoring and Enforcement Group (IMEG) Chief Col. Ronald Lee ang nakadale sa mga ilegalistang ‘yan, malamang, sibak ang abutin n’yo sa “one strike policy” ni PNP Chief Gen. Archie Francisco Gamboa, boom!
****
MAY NO TAKE POLICY PERO MAY NANGHIHINGI PA RIN NG ‘TONGPATS’ SA GAMBLING LORD NG CAVITE—Mahigpit ang utos ni Gen. Gamboa sa lahat ng pulis na “no take policy”. Ibig sabihin, walang manghihingi ng payola sa mga ilegalista, pero isang “Chan Parak” daw ang patuloy na tumatanggap ng “tongpats” sa jueteng ni “Ariza” at ‘yan daw ang dahilan kaya untouchable ang raket nito sa Cavite.
Dapat ipatapon ni Gen. Gamboa sa Basilan si “Chan” para malaman ng lahat ng scalawag na parak na hindi joke ang direktiba niyang “no take policy”, period!





Comments