Diskriminasyon sa mga Chinese, lalo pang lumala
Umuugong ang organisasyong nagsusulong ng revgov (revolutionary government).
Marami ang nararaket ng pekeng pangakong posisyon sa gobyerno!
----
Kapag may radikal at biglaang pagbabago sa liderato sa Malacañang, may mga nakakaharbat ng puwesto.
Nag-aagawan sa “juicy position” ang mga amuyong!
----
Naganap ang pag-aagawan sa posisyon nang maupo si ex-P-Cory.
Tipong kinulimbat ang mga ari-arian ng gobyerno at dinambong ang mga pondo
ng bayan!
----
Isa sa mga pambihirang pangulo ng Pilipinas ay si P-Digong.
Markado sa kasaysayan ang kanyang kontribusyon sa bansa!
----
Personal ang kadakilaan ni P-Digong bagaman, palpak ang kanyang mga amuyong.
Maraming foreign leaders ang tumitingala sa kanya!
----
Lumulutang ang kadakilaan ng mga Pinoy sa buong daigdig.
Ito ay dahil sa ipinosturang independent foreign policy!
----
Paano na kapag nawala si P-Digong?
Ituloy kaya ng makakapalit niya ang kanyang tapang?
----
Halimbawa, si Mayor Isko ang pumalit, makontra kaya niya ang mga Kano?
Si Mayor Sara, magkaroon kaya siya ng “yagbols” laban sa U.S.?
----
Gumagrabe ang diskriminasyon laban sa mga Chinese.
Matagal nang masama ang trato sa mga Tsekwa!
----
Delikado na ang liderato ni Chinese Pres. Xi Jinping.
Maaari siyang masibak sa puwesto!
----
Wala pa ring solusyon ang krisis sa tubig.
Walang nagpoprotesta sa kalye!
----
Naglaho na ang street protest.
Nalumpo na ang militanteng grupo.
Imbes na magkadre ang millennial, gadgets at social media ang kanilang inaatupag!





Comments