Indonesia vs. Gilas, baka makansela dahil sa COVID-19

Posibleng makansela rin ang natitirang Gilas Pilipinas qualifying match kontra Indonesia para sa unang window ng FIBA Asia Cup qualifiers ngayong buwan dahil pa rin sa Coronavirus Disease (COVID-2019).
Base sa mga naglabasang mga balita mula sa Indonesia, inatasan ang Indonesia Basketball Association o mas kilala bilang PERBASI ng kanilang Ministry of Youth and Sport (Kemepora) at Ministry of Health (Kemenkes) upang ipagpaliban ang laro.
Bukod sa laban kontra Gilas, inatasan din ang Kemenkes ang Perbasi na kanselahin ang laban nila kontra South Korea.
Nauna nang nakansela ang laban ng Gilas kontra Thailand sa Pebrero 20 sa rekomendasyon na rin ng Department of Health habang nakatakda sana nilang makatunggali ang Indonesia sa Pebrero 23.
Sakaling makansela rin, inaasahan ng Gilas na papabor pa rin ito sa kanila dahil madaragdagan ang panahon ng kanilang preparasyon.
“The Ministry of Youth and Sports … instructs you to postpone the implementation of FIBA Asia Cup 2021 activities in Indonesia,” nakasaad umano sa ipinadalang sulat ng Kemenpora sa Perbasi.
“There is still a lot of information that is not yet known about COVID-19, such as the mechanism of transmission,” ayon naman sa liham ng Kemenkes.





Comments