top of page
WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated.j

Totoong buhay daw, 'Di teleserye… Juday sa mga netizens: 'Wag tayong makisawsaw sa away nina

Julie Bonifacio
Feb 17, 2020
2 min read

Nag-react si Judy Ann Santos sa isyu sa pagitan ng mag-inang Megastar Sharon Cuneta at KC Concepcion. Hindi lingid sa publiko na isa si Juday sa pinakamalalapit na artista kay Mega at may kakaibang friendship din siya with KC.

Hindi pa raw sila nagkikita ng kanyang Ate Sharon. Pinahahalagahan daw kasi niya ang privacy nito.

“Pero, para sa akin, huwag tayong sumawsaw. Huwag na tayong dumagdag. Problema ito ng mag-ina. At kung anuman ang opinyon ng mga tao sa labas, maka­kadagdag lang,” panawagan ni Juday.

Pakiusap pa niya, bigyan ng time and space ang mag-ina at naniniwala siya na maaayos din ang mga bagay-bagay kina Mega at KC.

“We cannot judge, because wala tayo doon. And even if, wala pa rin tayong kara­patang mag-judge kasi problema nila ‘yang mag-ina at hindi tayo kasali. Hindi ito tele­serye. Hindi sila teleserye. Totoong buhay ‘to na pinag-uusapan natin. And though I understand na they are public figures, still, they deserve privacy,” diin pa niya.

Ang dasal na lang ni Juday para sa mag-ina ay magkaroon ng kapayapaan sa puso nila.

Relate much si Juday sa relasyong Mega and KC kasi nagdadalaga na rin ang kanyang panganay na si Yohan. At ilang taon na lang, teen-ager na rin ang only boy niyang si Lucho at bunso niyang si Luna.

Sa true lang, isa sa mga happy family sa showbiz ang kina Juday at Ryan Agoncillo. Hindi lang happy, pretty and good-looking pa ang mga anak nila kaya sana nga, magparami pa sila ng lahi.

“Hindi siya top of mind. Hahaha! Kung mabuntis, mabuntis, you know,” sabi sa amin ni Juday.

Dagdag pa niya, “But at 41, parang hindi ko na ata kayang magluwal pa ng bagets. But, alam mo, ang blessing ay blessing. Siguro, kung mabuntis man, ibig sabihin, kaya ko pa, palawakin ang lahi ng aming anak.”

Hindi naman daw sa wala silang plano, ‘di lang nila napag-uusapan ni Ryan ang tungkol sa pagkakaroon ulit ng baby.

“As it is, parang okey naman kami sa tatlo. And then, what’s happening now, the realities of life, ‘yung magpapaaral ka. Tapos, itong mga nangyayaring saku­na, ang hirap balansehin. Nakaka­takot, lalo na kung may maliit ka.”

Pero inamin naman niya na masarap din kapag may baby sa pamilya. ‘Yun na!

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page