top of page
WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated.j

Tinawag na ipokrito ng netizen… Robin, idinamay sina Angel, Coco at Dingdong sa banat sa Dos, hinamo

Nitz Miralles
Feb 17, 2020
2 min read

Nitz Miralles / Bida

Hindi nagpatalo si Robin Padilla sa argumento niya sa mga netizens tungkol sa isyu ng franchise renewal ng ABS-CBN. Laging may sagot si Robin sa kanila at aniya pa ay retired na siya sa showbiz at gusto lang niyang matulungan ang mga maliliit na nagtatrabaho sa entertainment industry.

Sagot ni Robin sa nagsabing “nagpapa­sikat o tatakbo siyang senador,” “Ako po ay retired na at wala po akong planong tu­makbo. Tumanggi nga po ako nu’ng last election. Para lang po ito sa ABS-CBN at sa mali­liit na tao. Twenty-five years is already enough to know the grievances of their people.”

Curious kami kung ano ang ibig sabihin ni Robin sa kanyang sa­got tungkol sa comment ng isang netizen na napakasuwerte ni Ma­riel Rodriguez dahil siya ang napa­nga­sawa na may prinsipyo sa bu­hay. Ibig kayang sabihin, ma­wa­wala na si Mariel sa It’s Show­­time?

“Maraming-maraming sala­mat po sa inyong salmo at dasal para sa aking pamilya @mariel­padilla. In shaa Allah, ma­basa po ito ng aking asawa upang maka­pagbigay po ito ng lakas ng loob sa kanya dahil naisakripisyo ko po ang kanyang magandang kina­bukasan sa lahat ng mga network para sa maliliit na traba­ha­dor sa pelikula at telebis­yon.”

Nabanggit ni Robin sina Coco Martin, Angel Locsin at Dingdong Dantes sa sagot niya sa akusas­yong ipokrito raw siya dahil noong nasa ABS-CBN pa ay hindi siya nag-ingay.

Handa raw siyang ilabas ang kontrata niya at bankbook at sabihan ang mga artista ng ABS-CBN at GMA para sabay-sabay sila.

“I-tag n’yo po sina Ma’am Angel Locsin, Direk Coco Martin, Sir Dingdong Dantes at maraming iba pa, sabihin n’yo lang po kung sa’n, kayo po ba ang sponsor?”

As of today, wala pang tumanggap ng hamon ni Robin na magpakita ng kontrata at lalong walang tatanggap ng hamon niyang mag­pakitaan ng bankbook.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page