Takot na takot sa Superstar… Isabel, muntik nang atakihin sa puso sa away nila ni Nora

Happy kami na balik-serye uli ang nag-iisang Superstar na si Nora Aunor at bibida sa Kapuso Afternoon Prime na Bilangin ang Bituin sa Langit.
Bago pa nagsimula ang first taping ng BABSL ay nag-PM kay yours truly ang isa sa mga co-stars ni Ate Guy na si long-time friendship Isabel Rivas asking kung nakakatakot daw bang makaeksena ang ating Superstar.
Mata pa lang daw ni Ate Guy ay natatakot na siya. Pero after daw niyang makaeksena ang kanyang kinatatakutan ay nakahinga siya nang maluwag at nagsabing...
“Naku, takot ako sa kanya kapag kaeksena siya, nakita naman ninyo kung ano ang ginagawa ko sa kanya. Sa confrontation scene namin, muntik na akong atakihin sa puso dahil ang husay-husay niya.
“Sabi ko sa kanya ‘Ate Guy, huwag mo akong titingnan, baka mawala ako sa eksena.’ Mata lang kasi niya, matatakot ka na. Medyo takot din ako sa mga fans ni Ate Guy, baka magalit sila sa akin kasi nga kontrabida ako ng idol nila rito sa Bilangin at ilang beses ko siyang sinaktan dito. Pero nakakatuwa, dahil very professional ang nag-iisang Superstar natin sa Philippine Cinema at pati na ang lahat ng mga kasama ko sa seryeng ito. Kaya very thankful talaga ako sa GMA Network.”
Heard na hiwalay na sa kanyang American husband si Isabel kaya free na uli siyang gumawa ng mga teleserye o maging pelikula man.
K! Go lang nang gowww, Isabel, at magbilang ka pa ng mga bituin sa langit in your showbiz career.
Yes, Sir! ‘Yun lang and I thank you.





Comments