top of page
TEKA NGA - MARIEL, KUMALAT NA TATAKBONG SENADOR, NILAIT NG NETIZENS_IG _marieltpadilla.jpe

PNP Chief Gamboa, laban-bawi sa Ninja Cops, ‘wag lang mapahiya si P-Digong

Pabs Hernandez III
Feb 17, 2020
2 min read

PNP CHIEF, LABAN-BAWI SA MGA ‘NINJA COPS’ — Kung noon, palaban si PNP Chief Gen. Archie Francisco Gamboa sa sinabi niyang dapat magretiro ang mga “ninja cops” o mga parak na sangkot sa ilegal na droga, ngayon ay biglang bawi ito.

Ayon kay Gen. Gamboa, inosente ang mga parak na nasa narco-list hangga’t hindi pa sila napatutunayang nagkasala.

At ang dahilan kaya naglaban-bawi si Gen. Gamboa sa kanyang statement kasi nilinis ni P-Duterte ang pangalan ng “bata” niyang si Police Lt. Col. Jovie Espenido na napasama sa drug list, boom!

****

SIGURO, KAYA AYAW NILANG IBIGAY KAY VP LENI ANG DRUG LIST KASI NASA LISTAHAN SI ESPENIDO — Noong nasa Inter-Agency Committee on Anti-Illegal Drugs (ICAD) pa si VP Leni Robredo, hiningi nito ang drug list ng mga “high value target” (HVT) sa ilegal na droga, pero tumanggi sina PDEA Director Aaron Aquino at PNP Gen. Gamboa, at kalauna’y nagdesisyon si P-Duterte na sibakin sa ICAD si VP Leni.

Siguro, ang dahilan kaya ayaw nilang ibigay kay VP Leni ang drug list ay nasa listahan kasi si Espenido, ang tinaguriang “poster boy” sa drug war ng Duterte

gov’t.? Ha-ha-ha!

****

ISANG GENERAL AT APAT NA HEPE, ‘NGANGA’ SA JUETENG AT STL-PARES SA CAMANAVA — Matapos suportahan ni NCRPO Director Gen. Debold Sinas ang “war on illegal gambling” ni PNP Chief Gen. Gamboa, nagsipagtiklupan na ang ilan sa mga illegal gambling operations sa Metro Manila, maliban sa CAMANAVA na tuloy pa rin ang raket na jueteng at STL-Pares ni “Jun Moriones”.

Ano kaya ang dahilan kung bakit hanggang ngayon ay “nganga” lang sina NPD Director Brig. Gen. Ronaldo Ylagan, Caloocan Police Chief Col. Dario Menor; Malabon Police Chief Col. Jessie Tamayao; Navotas Police Chief Col. Rolando Balasabas at Valenzuela Police Chief Col. Carlito Gaces sa raket ni “Moriones”? Abangan!

****

MAY “WAR ON ILLEGAL GAMBLING” NA PERO MAY NAG-OPEN PA RIN NG STL-BOOKIES SA BATANGAS AT MASBATE — Nag-start na raw nitong nakalipas na Valentines Day (Feb. 14) ang raket na STL-Bookies nina “Toper Taba” at “Ana Tomboy” sa Lipa City, Batangas na nasa jurisdiction nina Chief of Police Col. Antonio Rotol at PD Col. Edwin Quilates at sa Masbate na nasa jurisdiction ni PD Col. Joriz Cantoria.

Wow, ang lakas naman ng loob ng dalawang ilegalistang ito, imagine, may “war on illegal gambling” na si Gen. Gamboa pero nagawa pa rin nilang magpa-STL-Bookies sa Batangas at Masbate? Boom!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page