top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Lucky Savings, wagi sa MMTCI Trophy Race

  • Ding Taboy
  • Feb 17, 2020
  • 1 min read

RENDA at LATIGO

Nagwagi ang Lucky Savings sa katatapos na Menchie A. Abalos Road To Triple Crown Trophy Race sa Metro Manila Turf Club Inc.(MMTCI) sa Malvar, Batangas.

Habang dumating na segunda ang liyamadong Heneral Kalentong sa tagpo ng Road to Triple Crown, tumanggap ng P450,000 unang premyo ang Lucky Savings bilang kampeon sa katatapos na karera.

Tinanggap naman ni Heneral Kalentong ang P168,750 bilang segunda at P93,750 na terserang Radio Gaga at P37,500 sa pumang-apat na Parokya ni Paolo.

Sa umpisa ng karera kinuha ng Radio Gaga ang unahan kasunod ang Heneral Kalentong habang pangatlo ang Lucky Savings. Pagdating sa huling likuan kinuha ng Lucky Savings ang unahan habang nakasunod ang liyamadong Heneral Kalentong.

Samantala, nagbukas ng dehado ang karera kahapon nang magwagi ang Musical Notes sa Race 1 nang talunin ang liyamadong Zenzazional sa katatapos na Environmental Management Department Trophy race.

Naglundagan ang mga dehadista nang agawin ng Musical Note sa Zenzazional ang unahan at nanalo ng may dalawang kabayo ang layo sa pagtatapos ng laban.

Ginulat ang marami sa pagkakapanalo ng dehadong Wood Ridge nang biguin ang Scarlet Master sa Race 2. Sa Race 3, nanalo ang Certain to Win sa katatapos na 1st District Councilor Trophy Race habang pumangalawa ang Senior Lucas.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page