Kasama ang mister at ama.. Buntis niratrat ng 2 riding-in-tandem, patay
- BRT
- Feb 17, 2020
- 1 min read

Patay ang isang buntis habang sugatan naman ang kanyang mister at ama matapos pagbabarilin ng dalawang riding-in-tandem ang sinasakyan nilang van sa Taguig City, kahapon.
Kinilala ang nasawi na si Michelle Sarsalego, 28, na anim na buwang buntis.
Batay sa imbestigasyon, sakay ng van ang mga biktima at papuntang Pasig City para bumili ng mga gulay nang pagbabarilin sila ng apat lalaki na sakay ng dalawang motorsiklo sa Bgy. South Signal.
Hinala ng pamilya, may kinalaman sa negosyo ang pag-atake sa kanila lalo na at noon ay nakatanggap sila ng banta sa kanilang mga buhay.





Comments