top of page

Hield, bida sa 3-Point Contest; Adebayo, hari sa skills challenge

  • Gerard Ace
  • Feb 17, 2020
  • 1 min read

Hindi naman umubra ang superman attire ni Dwight Howard sa NBA All Stars na may logo pa sa dibdib nito na Mamba Mentality ni Kobe Bryant na nakakuha lamang ng 49 at sa unang attempt na 41.

Hindi rin nakalusot si Milwaukee Bucks guard Pat Connaughton kahit gamitin pa ang team mate niyang si 2019 MVP Giannis Antetomounmpo para maging dunk of the night.

Wagi naman si Sacramento Kings guard Buddy Hield sa kanyang kauna-unahang MTN Dew 3-point contest matapos daigin sina Phoenix Suns guard Devin Booker at Washington Wizards forward Davis Bertans.

Kumana ng 27 puntos si Hield para ungusan si Booker na may 26 sa kabuuang 40 final round, habang mayroon lamang 22 puntos si Bertans. Maaga namang nalaglag si defending 3-point contest champion Joe Harris ng Brooklyn Nets na nakakuha ng 22 puntos, samantalang sinundan rin siya pauwi nina Trae Young ng Atlanta (15), Devonte Graham ng Charlotte (18), Duncan Robinson ng Miami (19) at crowd-favorite na si Zach Lavine ng Chicago Bulls (23).

Naging tapatan naman ng big-men ang Taco Bell Skills challenge nang pamunuan ito ni Miami Heat Bam Adebayo nang talunin nito si Domantas Sabonis ng Indiana Pacers sa final round.

Isinalpak ni Adebayo ang game winning 3-point shot upang tanghaling kampeon. Nauna niyang tinalo sa elimination round ang 2018 champion na si Spencer Dinwiddie ng Nets at sunod na tinanggal si Toronto Raptors All-Star Pascal Siakam sa semifinals. Ginulat naman ni Sabonis si defending champion Jayson Tatum ng Boston Celtics sa elimination round at sinunod si Milwaukee Bucks all-star Khris Middleton.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page