Pamasahe sa eroplano at bayad sa hotel, planong ibaba para lumakas ang turismo sa Pilipinas
Nancy Binay / Be Nice Tayo
Tulad ng pagsasara ng Isla ng Boracay noong 2018 na nagbukas ng iba pa nating mga tourist destinations, gamitin natin sa positibong pagkakataon ang travel ban dahil sa coronavirus disease (COVID-19) upang muling tuklasin ang ganda ng ating bansa.
May plano ang tourism industry stakeholders na ibaba ang airfare at hotel rates pagkatapos ang pagpupulong kasama si Pangulong Rodrigo Duterte nitong nakaraang linggo.
Kasama ang planong ito sa mitigation efforts upang labanan ang negatibong epekto ng COVID-19 sa ating tourism sector at upang i-promote na rin ang ating turismo sa ating mga kababayan, ayon na rin sa Malacañang.
Matatandaang, kasama sa travel ban ang China at Taiwan, na kabilang sa ating top five biggest source ng international visitors, ayon na rin sa tala ng Department of Tourism (DOT) noong Nobyembre, 2019.
Tulad noong 2018, noong isinarado ang Isla ng Boracay, lumago ng 21 percent ang ating domestic tourism expenditure na naging P3.2 trilyon mula sa P2.6 trilyon noong 2017, ayon sa datos ng Philippine Statistics Authority (PSA).
Inaasahan nating patuloy pa rin ang pagdating ng foreign tourists mula sa mga bansang hindi apektado ng COVID-19. Ngunit, maaaring maging gamechanger ang planong magkaroon ng discount sa airfare at hotel rates upang lalo pang mahikayat ang ating mga kababayan na maglibot sa ating bansa, lalo na kung itataon ito ngayong malapit na ang summer vacation.
Hindi na lingid sa ating mga Pinoy ang ganda ng bansa at ang paghihirang sa ating mga isla ng iba’t ibang travel magazines na kabilang sa mga interesanteng bisitahin. We need to intensify and strengthen our campaign to make these destinations closer to our countrymen.
Sino pa ba ang dapat tumangkilik ng sariling atin kundi tayong mga Pinoy? Bukod sa binibigyan natin ng pagkakataong makapaghanapbuhay ang ating mga kababayan, we spur development in the countryside and keep necessary revenue circulating inside our country.
Kung mayroon kayong nais idulog o ipaabot sa inyong abang lingkod, maaari kayong sumulat sa BE NICE TAYO ni Sen. Nancy Binay, BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa benicetayo.gmail.com.
Paalala lamang na sana ay isama ninyo sa inyong mga liham ang inyong contact number upang mas madali namin kayong mapaglingkuran. Always Be Nice! FOLLOW US! Facebook: www.facebook.com/SenatorNancyBinay Twitter: www.twitter.com/SenatorBinay @SenatorBinay Instagram: @SenatorNancyBinay





Comments