Kobe, finalist sa 2020 Basketball Hall of Fame
- MC
- Feb 16, 2020
- 1 min read

Isa sa walong finalists si five-time NBA champion Kobe Bryant, ang Los Angeles Lakers superstar na nasawi sa isang helicopter crash kamakailan nang idaos ang isang 2020 induction para sa Basketball Hall of Fame. Kinikilala si Bryant, ang 18-time NBA All-Star sa unang taon ng kanyang eligibility upang humilera sa mga tinaguriang ‘sport’s immortals’ na bibigyan ng parangal sa isang honor shrine sa Springfield, Massachusetts.
Ang opisyal na anunsiyo ng Hall of Fame inductees ay sa Abril 4 sa Atlanta na idaraos sa US college “Final Four” na may 18 sa may 24 na boto ay mula sa Honors Committee para pumili ng mga nasa listahan.
Ang seremonya ng Enshrinement ay gagawin sa Springfield mula Agosto 28-30. Ang iba pang first-time finalists ay sina 15-time NBA All-Star at three-time NBA Finals Most Valuable Player Tim Duncan, 15-time NBA All-Star at nine-time NBA All-Defensive First Team selection Kevin Garnett at 10-time Women’s NBA All-Star at four-time Olympic champion Tamika Catchings.
Ang iba pang finalists ay sina US college coaches Kim Mulkey, Barbara Stevens, Eddie Sutton at two-time NBA champion coach Rudy Tomjanovich. Ang trahedyang pagkasawi ni Bryant sa edad 41, kasama ang anak na si Gianna at 7 iba pa ay may malakas na impact sa Hall of Fame selections.





Comments