Kelot natagpuang patay
Quezon — Isang lalaki ang natagpuang patay kamakalawa sa Bgy. Cabuyao Norte, Padre Burgos sa lalawigang ito.
Kinilala ang biktima na si Reynaldo Atienza, residente sa nasabing barangay.
Nabatid na ilang residente ang nakatagpo sa bangkay ng biktima na may malaking sugat sa ulo.
Batay sa imbestigasyon, posible umanong may pumalo sa ulo ng biktima na naging dahilan ng pagkamatay nito.
Patuloy na ang imbestigasyon upang mabatid ang motibo ng hindi pa nakikilalang suspek sa pagpatay sa biktima.





Comments