top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Feeling teenager daw… Kim, binigyan na ng 8-feet tall na bouquet ni Xian, 'di man lang nagpa-kis

  • Ronalyn Seminiano
  • Feb 16, 2020
  • 2 min read

Ronalyn Seminiano / Showbiz Trend

Speaking of higanteng bouquet ng bulaklak na natanggap ni Kim Chiu sa BF niyang si Xian Lim, grabe ang effort ni­tey, ha? Eight feet lang naman ang taas nito ayon sa mga ulat!

Ipinost ni Kim sa Instagram Stories niya ang video kung saan dinala sa set ng Love Thy Wo­man ang nasabing bouquet ng bulaklak at tatlong lalaki pa ang nagbuhat nito. Lahat ay natulala, maging si Kim na nasa sulok lang.

Caption ni Kim sa series of pho­tos nila ni Xian kasama ang bu­lak­lak, “Each year, you never fail to sur­prise me! Still and will always will!!! Thank you Xi!!! Thank you for putting such effort to surprise me!! Babae pala ako!! Lels.”

Dahil nga ‘di naman inaa­sa­han ni Kim na mag-e-effort nang bongga si Xian, inamin niyang tumitingin-tingin din siya sa mga babaeng nakaka­tanggap ng regalong bulaklak galing sa mga loved ones nila.

Sey ni Kim, “Scrolling my IG while on the set taping looking at all the girls having their pretty bouquet of flowers posted on IG!!! Before the day ends... here I am having my own HUGE, Pretty BOUQUET!!!! Thank you Xi!!!! Happy Valentines indeed! @xian­limm #thankyou. Paano ko kaya ‘to iuuwi??”

Post naman ni Xian sa kanyang Ins­ta­gram account, “It’s not about Feb. 14. It’s about celebrating each day and every single moment with you @chinitaprincess.”

Napakaraming netizens ang natuwa sa sweetness nina Kim at Xian. Ilan sa komento ng mga netizens ay: “Pakasal na kayo plsss.”

“Akala ko, proposal na, eh!”

“OMG! I hear wedding bells coming soon.”

May nakita rin kaming komento ng netizen na tila hindi nagustuhan ang naging senaryo. Aniya, “@chinitaprincess kawawa si @xianlimm. ‘Di ka man lang nagpa-kiss. Napahiya pa tuloy siya. Kawawa. Kahit ‘I love you’ man lang. ‘Di na naman kayo teen­-agers, eh, matanda na kayo.”

Well, basta, mapapa-sana all ka na lang din talaga sa dalawang ‘to, eh! Hahaha!

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page