Babu kina Ellen at Gerald… Buking: Sina John Lloyd at Bea ang magkasama nu'ng V-Day
- Erlinda Rapadas
- Feb 16, 2020
- 1 min read

Maraming Bea Alonzo/John Lloyd Cruz fans ang natuwa nang malamang magkasama ang kanilang paboritong love team noong Valentine’s Day, Feb. 14, sa isang script reading session ng That Thing Called Tadhana sa isang event sa Ayala — ang Art Fair 2020. Naroroon din ang direktor ng pelikula na si Antoinette Jadaone na sumaksi sa script reading nina Bea at JLC.
Marami ang naniniwala na may movie project na pagsasamahan ang dalawa at medyo nagpaparamdam na sila ngayon sa kanilang mga fans and supporters.
Parehong single ngayon sina Bea at Lloydie kaya okey lang na nagkasama sila last Valentine’s Day. Kahihiwalay lang ni JLC kay Ellen Adarna at break na rin si Bea kay Gerald Anderson.





Comments