top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Araw ng mga Puso.. Edad 18, 19 at 21 nagbigti, patay

  • J. Baricuatro / M. Santos
  • Feb 16, 2020
  • 1 min read

Tatlo katao ang sinasabing nagpakamatay sa mismong Araw ng mga Puso sa magkakahiwalay na lugar.

Kinilala ang una na si ‘Joshua’, 21, residente ng Bgy. San Simon, Dasmariñas, Cavite, na natagpuang nakabigti sa banyo, alas-2:45 ng madaling-araw.

Nabatid na may history na rin umano ng tangkang pagpapakamatay ang biktima sanhi ng matinding depresyon.

Alas-7:00 naman ng umaga, nang madiskubre ang katawan ng biktimang si ‘John’, 19, residente ng Bgy. Carsadang Bago 2, Imus City, Cavite.

Nadiskubre ito ng kanyang pinsan na si ‘Mel’, na wala ng buhay na nakabigti gamit ang kumot sa loob ng kanilang bahay. Matinding depresyon din ang posibleng dahilan kung bakit nagpakamatay ang biktima na ilang araw na rin umanong napapansin na palaging malungkot at malalim ang iniisip.

Samantala, isang 18-anyos na senior high school ang nagbigti rin at nasawi sa loob ng isang ginagawang bahay sa Valenzuela City. Kinilala ang biktima na si ‘Jacob’, residente ng Bgy. Palasan.

Alas-6:00 ng umaga nang matagpuan ang biktima na nakabigti ng nylon rope. Ipinalaam ng nakasaksi ang insidente sa ina ng biktima bago ini-report sa pulisya na nagsagawa ng imbestigasyon hinggil sa nasabing pangyayari.

Lumagda naman sa isang waiver ang mga magulang ng biktima na tumatangging isailalim sa autopsy examination ang bangkay ng kanilang anak.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page