ABS-CBN, ipasasara ni P-Digong dahil lang sa sulsol ni Mocha
MANDATO NI MOCHA, PARA SA KAPAKANAN NG MGA OFWs, HINDI SA ISA-SHUTDOWN NG ABS-CBN — Sayang talaga ang higit P150-K monthly na ipinasusuweldo ng taumbayan kay OWWA (Overseas Workers Welfare Administration) high ranking official Mocha Uson.
Ang mandato kasi ng trabaho ni Mocha sa gobyerno ay pangalagaan ang kapakanan ng mga OFWs, pero ang inaatupag nito ay mag-post nang mag-post sa social media na i-shutdown o ipasara na ng gobyerno ang ABS-CBN, boom!
◘◘◘
DAHIL NAGALIT LANG, TERMINATE NA ANG VFA, IPASA-SHUTDOWN PA ANG ABS-CBN — Nagalit si P-Duterte sa pagkansela ng US visa ni ex-PNP Chief-Sen. Ronald ‘Bato’ dela Rosa kaya ipina-terminate ang Visiting Forces Agreement (VFA) sa pagitan ng Pilipinas at Amerika at sa galit din ng presidente sa ABS-CBN dahil hindi raw inilabas ang political tv ad niya noong 2016 Presidential Elections ay todo-sulsol si Mocha sa social media na i-shutdown ang Kapamilya Network.
Ibang klase ang gobyernong ito, dahil lang sa nakanselang US visa ni ‘Bato’, ipina-terminate ang VFA at dahil lang sa sulsol ni Mocha, ipasasara ang ABS-CBN, ha-ha-ha!
◘◘◘
HINDI LANG SI ESPENIDO, SANA ALL NINJA COPS, LINISIN NA NI P-DUTERTE — Nilinis ni P-Duterte si Police Lt. Col. Jovie Espenido, tinaguriang “poster boy” ng administrasyon sa war on drugs kaugnay sa pagkakasangkot nito sa droga.
Sana all o lahat ng parak na sangkot sa droga ay nilinis na ni P-Duterte kasi unfair sa ibang isinasangkot sa droga na si Espenido lang ang nilinis at nais alisin ng presidente sa drug list, period!
◘◘◘
KUNG HINDI TOTOO ANG REPORT NG PDEA AT PNP, IBIG SABIHIN, ‘WAR ON DRUGS’, FAKE? — Ang nakakuha ng datos na sangkot sa droga si Espenido ay ang PDEA at PNP at ang pagkakasama ng pangalan niya (Espenido) sa Duterte drug list ay kinumpirma ni DILG Sec. Eduardo Año.
Kung hindi naniniwala si P-Duterte na sangkot sa droga si Espenido, ibig bang sabihin ay hindi totoo ang report ng PDEA at PNP, fake news ang sinabi ni Sec. Año na nasa drug list ito? Aba, kung ganyan, fake pala ang war on drugs ng gobyerno, pwe!





Comments