Wala raw ka-Valentine.. 13-anyos tinangay, nireyp ng trike driver
- Paul Lamsen
- Feb 15, 2020
- 1 min read

Isang tricycle driver ang pinaghahanap ng mga awtoridad makaraang halayin ang 13-anyos na pasahero sa Pangasinan.
Ayon sa biktimang si alyas Aiza, 13, bandang alas-6:00 ng gabi nang sumakay siya sa tricycle ng suspek.
Gayunman, dinala umano siya ng suspek sa bakanteng lote at sinabihan siyang wala itong ka-Valentine’s date kaya siya na lang, saka may pinaamoy umano sa kanya na nakakahilo.
Hanggang sa magising ang biktima na sinasabing hinalay, habang nakatakas naman ang salarin.





Comments