GF, nakipag-break.. 19 yrs. old nagbigti, patay

Isang araw bago ang Valentine’s Day, isang 19-anyos na binata ang nagpakamatay sa pamamagitan ng pagbigti makaraang hiwalayan ng kanyang girlfriend sa Navotas City.
Kinilala ang biktima na si ‘John’, na nadiskubre ng kanyang nakababatang kapatid habang nakabigti gamit ang kurtina sa loob ng kanilang bahay sa Bgy. Tangos, alas-4:00 ng hapon.
Ayon kay Navotas Police Chief P/Col. Rolando Balasabas, tinawag ng kapatid ng biktima ang kanyang ama na agad namang pinutol ang kurtina na nakatali sa leeg ng anak saka isinugod sa Navotas City Hospital subalit, idineklara itong dead-on-arrival.
Sa pahayag sa pulisya ng mga miyembro ng pamilya, hiniwalayan umano ang biktima ng kanyang kasintahan at mula noon ay maraming ulit na itong nagtangkang magpakamatay.
Ani Col. Balasabas, walang nakitang sugat ang mga tauhan ng Scene of the Crime Operatives (SOCO) na nagsagawa ng cursory examination sa katawan ng biktima maliban sa ligature marks sa leeg





Comments