ABS-CBN ‘pag ipinasara.. Mga namumuhunan, damay
- Gina Pleñago
- Feb 15, 2020
- 1 min read

Banta hindi lang sa karapatan sa pamamahayag kundi maging sa kabuhayan ng libu-libong pamilyang Filipino ang pagpapasara sa ABS-CBN.
Ayon kay Louie Montemar, convenor ng Bantay Konsumer, Kuryente, Kalsada (BK3), nasa 6,730 regular na empleyado ang mawawalan ng trabaho kapag biglang nagsara ang nasabing kumpanya.
Ani Montemar, makikita rin ito ng mga namumuhunan bilang tanda na walang kasiguruhan sa pagnenegosyo sa bansa dahil ang ating mga regulasyon ay basta na lamang mapupurnada dahil sa napakapersonal na pagdedesisyon ng nakaupo.
Samantala, ipinahahatid ng BK3 ang pagsuporta sa panawagan ng mga empleyado ng ABS-CBN at milyun-milyong tagapagtangkilik nito na bumubuhay sa industriya.





Comments