Tate, mas tipid sa pagkansela ng VFA, hindi kawalan
OKAY lang kay U.S. President Donald Trump ang pagkansela sa VFA.
Hindi na sila maglulustay ng pondo!
****
GALING daw sa meteorites ang COVID-19.
Marami na talaga ang nababaliw!
****
AIRWAVES o frequency sa pag-ere lang ang hindi maaaring gamitin ng ABS-CBN.
Hindi naman sila pinagbabawalang magnegosyo — huwag lang silang gagamit ng “television frequency”!
****
MANANATILI ang ABS-CBN bilang entertainment at media outfit.
Puwede silang gumamit ng internet, gumawa ng pelikula at mag-produce ng iba’t ibang shows!
****
DAHIL hindi binubuwag ng gobyerno ang “ABS-CBN”, mapupuwersa silang magkaroon ng inobasyon.
Puwede silang mag-block time sa ibang istasyon na may lehitimong operation — at doon ituloy ang kanilang mga programa!
****
MAAARING apektado ang operation at ang mga talents o kawani sakaling magsarado ang TV network — pero imposibleng hindi magpatuloy ang kanilang negosyo.
Kakaiba ang media ngayon — kaya matutulak sila sa mga pambihirang inobasyon!
****
PUWEDE silang makipag-partner sa iba’t ibang TV network.
Ibig sabihin, hindi mawawalan ng trabaho ang mga talents — kung talagang may talent sila.
Maaari silang lumipat ng ibang TV stations o gumawa ng pelikula o special programs!
****
NAKAKATUWA ang AirAsia Philippines, bukod sa low-cost at affordable — nangunguna sila sa pagpapatupad ng protective measures kontra sa epidemya ng COVID-19.
Naglilinis at nagdi-disinfect agad sila kada flight at ipinaiiral ang lahat ng safety measures!
****
MAHALAGANG maipatupad ng mga airlines ang mga safety measures upang magkaroon ng ligtas na biyahe ang mga OFWs, partikular sa Taiwan.
Kapag maayos ang safety measure sa mga eroplano — maaari naman nilang isakay paroon at paritoang mga OFWs!
****
INIINGATAN dapat ng gobyerno ang biyahe ng mga OFWS dahil ito ang makaaapekto sa kanilang personal na buhay at maging sa kanilang mga kaanak na umaasa sa kanila.
Dapat may espesyal na biyahe para sa mga OFWs na maaapektuhan ang hanapbuhay!





Comments