Super Six Carry Over Viva Morena patok
- Ding Taboy
- Feb 14, 2020
- 1 min read

Aalagwa ngayong araw ang anim na karera na kapapalooban ng ‘Additional One Win in Group Races’ sa Santa Ana Park Naic, Cavite.
Sa gaganaping laban na nakatakda magaganap ang limang Condition Race at Condition Race Merged 10. Kasabay nito magaganap ang Pick 6, Pick 5 at Pick 4, kasama ang Trifecta, Quartet, Pentafecta at Super Six.
Sa Race 1, paglalabanan ngayon ang carry over na P25,198.18 sa Super Six kasabay ng panimula ng Pick 6. Maglalaban ang mga kalahok na Pabulong, Love Affair at couple entry na Keep Trending at Rainbow Peak. Isama ang Chocolate Thunder, Princess Tin at North Wind sa Quartet, Pentafecta at Super Six.
Sa Race 2, umpisa ng Pick 5, nakalalamang ang Tipsy Tapsi at magsisilbing kalaban ang Classic Gee, Tidal Wave at couple entry na Believe Me at Dalagang Bukid. Sa Race 3, simula ng Pick 4, nakalalamang ang Constitution laban sa Kapangyarihan at Paradise Creek.
Sa Race 4, ipinapatok ang Sydney Boy at makakalaban ang Happy Man at Joyful Joe at isama ang Maincore Sunspots at pagbabago sa Quartet at Pentafecta.
Sa Race 5, ipinapatok ang Viva Morena, isama sa Trifecta at Quartet ang Shanghai Noon, Headmastership at Iniki Runner. Sa Race 6, nakalalamang ang Smart Tyler at makakalaban ang Kusing, Hello Gorgeous at Solar Boost.





Comments