top of page
WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated.j

Sports facilities sa mga probinsiya, aayusin

Gerard Arce
Feb 14, 2020
1 min read

Nangako ang Philippine Sports Commission (PSC) na magbibigay ito ng tulong at suporta sa ilang lokal na pamunuan ng bansa bilang tugon sa pagsuporta sa pagpapalawig at pagpapalakas ng pampalakasan sa bansa higit na sa grassroots level.

Inihayag ni PSC Chairman William “Butch” Ramirez na magpapadala ito ng pinansiyal at teknikal na tulong sa pagkukumpuni ng Burauen Sports Complex Track Oval at Swimming Pools sa Leyte sa susunod na taon.

Nakipagpulong ang 69-anyos na pinuno ng ahensya ng pampalakasan sa Burauen City upang mapagdesisyunang ipaayos ang naturang sports facility.

Lubos naman ang pasasalamat ng pamunuan sa lalawigan sa magandang tugon ng ahensiya ng pampalakasan sa naturang pangako. Itutuloy din ng lalawigan ng pagpapagawa sa anim na ektaryang sports complex sa pagtulak nitong makuha ang susunod na edisyon ng Batang Pinoy at Philippine National Games, gayundin ang Palarong Pambansa sa 2023.

Noong 2018 ay nakipagtulungan ang PSC sa Mindanao State University (MSU) para ipaayos ang Track Oval bilang parte ng daan sa pagbangon ng Marawi City. (Gerard Arce)

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page