Maling produkto na nabili online

SHOUTOUT - sa mga online sellers d’yan, ayus-ayusin n’yo ang ginagawa ninyo! Last time, may binili akong phone case pero maling produkto ‘yung natanggap ko. Nag-message ulit ako sa page nang makita ko na maling phone case ang idineliver sa akin, pero hindi nila sini-seen ang message ko. Pinili kong bumili online kasi wala na akong time pumunta sa mall at hindi hamak na mas mura ito kumpara sa mga nabibili sa labas. Pero nagsisi ako dahil walang kuwenta ‘yung serbisyo nila! Sana, ma-control din ito ng DTI kasi hindi naman pinupulot ang pera na pinambibili sa mga produkto nila! - rcaragones
FACEBOOK.COM/BULGAR.OFFICIAL
TWITTER.COM/@BULGAROFFICIAL





Comments