top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Dollar account, hindi puwedeng silipin o buksan ng kahit live-in partner pa basta walang permiso ng

  • Persida Acosta
  • Feb 14, 2020
  • 2 min read

Dollar account, hindi puwedeng

Silipin o buksan ng kahit live-in partner pa basta walang permiso ng may-ari

Dear Chief Acosta,

Ako ay dating OFW na nagtrabaho sa Canada sa loob ng 20 taon. Bumalik ako sa Pilipinas last year at nagdesisyon akong manirahan na rito kasama ang aking live-in partner dahil meron na rin akong sapat na ipon. Meron akong dalawang accounts sa bangko — peso account at dollar account, pero ‘yung dollar account ay hindi ko sinasabi sa live-in partner ko.

Noong isang linggo, bigla na lamang niya akong kinompronta tungkol sa pagkakaroon ko ng nasabing dollar account kahit hindi ako nagsasabi sa kanya tungkol dito. Hindi ko alam kung paano niya ito nalaman pero pinipilit niyang alamin sa akin kung magkano ang laman nito. Ngayon ay tinatakot niya ako na pupunta raw siya sa bangko, kasama ang kanyang abogado para piliting malaman kung magkano ang laman nito. Maaari ba niya itong gawin? - Guillermo

Dear Guillermo,

Para sa inyong kaalaman, ang inyong katanungan ay tinatalakay sa Republic Act No. 6426 o ang “Foreign Currency Deposit Act of The Philippines, as Amended”, partikular sa Section 8 nito kung saan nakasaad na;

“SECTION 8. Secrecy of Foreign Currency Deposits. – All foreign currency deposits authorized under this Act, as amended by Presidential Decree No. 1035, as well as foreign currency deposits authorized under Presidential Decree No. 1034, are hereby declared as and considered of an absolutely confidential nature and, except upon the written permission of the depositor, in no instance shall foreign currency deposits be examined, inquired or looked into by any person, government official, bureau or office whether judicial or administrative or legislative or any other entity whether public or private; Provided, however, That said foreign currency deposits shall be exempt from attachment, garnishment, or any other order or process of any court, legislative body, government agency or any administrative body whatsoever.” [Binigyang-diin.]

Ayon sa nabanggit, hindi maaaring basta na lamang mag-inquire ang tao o kahit pa man ang gobyerno tungkol sa nilalaman ng foreign account ng indibidwal, maliban na lamang kung mayroong pahintulot na isinulat mula sa mismong depositor o may-ari nito na maaari itong ipasilip sa itinakdang ibang tao.

Dahil dito, hindi maaaring magpumilit ang inyong live-in partner na malaman mula sa bangko ang nilalaman ng inyong dollar account dahil wala naman kayong ibinigay na kasulatan na nagbibigay-pahintulot sa bangko na ibunyag ang nilalaman nito. Kung sakaling pumayag ang bangko na gawin ito nang walang kaukulang pahintulot, sila ay maaaring papanagutin para rito sang-ayon sa Section 10 ng batas na nabanggit.

Nawa ay nasagot namin ang inyong mga katanungan. Nais naming ipaalala sa inyo na ang opinyong ito ay nakabase sa inyong mga naisalaysay sa inyong liham at sa pagkakaintindi namin dito. Maaaring maiba ang opinyon kung mayroong karagdagang impormasyong ibibigay. Mas mainam kung personal kayong sasangguni sa isang abogado.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page