Bumbay nag-jaywalking, sinita.. Traffic enforcer, sinakal

Kalaboso ang isang Indian national matapos sakalin ang traffic enforcer na sumita sa kanya makaraang tumawid sa hindi tamang tawiran sa Valenzuela City, kahapon ng umaga.
Bukod sa paglabag sa ordinansa kaugnay sa paglabag sa Anti-Jay Walking Ordinance ng lungsod, sinampahan din ng kasong direct assault ng pulisya si Chirag Parajapat, 22, estudyante ng Bgy. Marulas.
Sa ulat na nakarating sa tanggapan ni Valenzuela Police Chief P.Col. Carlito Gaces, nagmamando ng daloy ng trapiko sa kahabaan ng MacArthur Highway sa kanto ng Villa Theresa Subdivision sa Marulas si Jedah Dagaraga, 32, pedestrian enforcer ng Valenzuela City nang makita niya ang dayuhan na tumatawid sa hindi tamang tawiran.
Nilapitan ni Dagaraga ang dayuhan at sinabi ang nagawa nitong paglabag sa ordinansa subalit, sa halip na makinig, nagalit at sinakal pa niya ang enforcer.
Nang masaksihan naman ng iba pang traffic enforcers ang ginawa ni Parajapat ay humingi sila ng tulong sa mga tauhan ng Police Community Precinct (PCP) 3 na nagresulta sa pagkakadakip sa dayuhan.





Comments