242 patay sa COVID-19 sa loob ng isang araw.. Kalma lang — P-Duterte

Umapela si Pangulong Rodrigo Duterte sa publiko na manatiling kalmado at maging maingat kasunod ng outbreak ng Coronavirus Disease 2019 kasabay ng pagtiyak na handa ang gobyerno na sugpuin ang naturang virus.
Sinabi ng Pangulo na sa kasalukuyan, nananatiling tatlo lamang ang kumpirmadong kaso ng COVID-19 at wala pang ebidensiya na local community transmission sa bansa.
“The government, together with the World Health Organization, medical societies and partners in private sectors is addressing the challenge and preparing for any eventuality,” ani P-Duterte.
Samantala, nakapagtala ng 242 panibagong bilang ng nasawi sa COVID-19 sa loob ng isang araw. Kaugnay nito, dahil sa malaking bilang ng naitalang nasawi, umabot na sa 1,367 ang global death toll ng nasabing virus.





Comments