top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Hindi naman kailangang palaging date... Mga gawaing puwedeng maging bonding time ng magdyowa

  • Justine Daguno
  • Feb 13, 2020
  • 2 min read

Panonood ng sine, picnic sa park, dinner reservation sa resto at iba pa. Ito ang mga typical date o nakasanayang ‘bonding’ ng mga magkarelasyon. Pero alam n’yo ba na marami pang bagay ang puwede n’yong gawin bukod sa mga ito? Kung gusto n’yo ng mas produktibo o ‘time worthy’ na gawain, narito ang ilang ideya para sa inyo:

1. MAG-VOLUNTEER. Puwede kayong mag-spend ng time sa mga volunteer works. Maraming humanitarian organizations o groups na puwede n'yong salihan para mabigyan kayo ng opportunity sa mga ganitong gawain. Isipin n’yo na lang, makakapag-bonding na kayo, makatutulong pa kayo sa iba.

2. MAGLUTO/MAG-BAKE. Imbes na magpa-reserve sa sosyal at mamahaling resto tuwing magde-date kayo, bakit hindi na lang kayo magluto o mag-bake? Hindi mahalaga kung “pro” o magaling kayo, ang importante ay gusto n’yong mag-try at mag-discover ng iba’t ibang recipes. For sure, mag-e-enjoy at productive ang araw n'yo dahil marami kayong matututunan at siguradong mas makakatipid pa kayo!

3. GUMAWA NG IPON CHALLENGES. Ngayong nauuso ang mga “ipon challenge”, siguradong masaya itong gawin kasama ang ating partners. Halimbawa, ‘yung monthly weight loss o kung sinuman sa inyong dalawa ang madaragdagan ng timbang kada buwan, siya ang maglalagay ng pera sa savings account o jar. Gayundin, kung sino ang mag-uumpisa ng away o hindi pagkakaintindihan, siya rin ang maghuhulog ng pera sa inyong ipon. Masaya ito dahil mamo-motivate kayong gawin ang mga bagay na makabubuti para sa sarili at sa inyong relasyon.

4. PAGPAPLANO PARA SA FUTURE BUSINESS. ‘Ika nga, make your jowa a business partner. Puwede kayong magsimula sa mga part-time business at kapag nag-click sa market ay puwede n’yo na itong ituloy sa full-time business. Puwede kayong mag-try ng online reselling, photo and video services, food kiosk/truck franchise, vlogging, catering, equipment rentals, brand design, event planning at iba pa.

Maraming bagay ang puwede n’yong gawin para mas maging makabuluhan ang inyong panahon dahil tandaan na mas nagwo-work ang relasyon kapag pareho kayong naggo-grow at isa sa mga paraan para mangyari ito ay dapat pareho kayong produktibo sa buhay. Ganern!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page