top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

P-Digong sa mga bumbero.. Sirena at blinker ‘di lisensiya para pumatay

Mylene Alfonso
Feb 12, 2020
1 min read

Binalaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga tauhan ng Bureau of Fire Protection (BFP) na maging maingat sa pagmamaneho.

Sa turnover ng mga fire truck sa Camp Aguinaldo sa Quezon City, sinabi ng Pangulo na hindi lisensiya ng mga bumbero ang sirena at blinker sa pagresponde sa sunog para paharurutin ang mga trak. Dapat aniyang maging maingat pa rin ang mga bumbero.

Inihalimbawa ng Pangulo ang nangyari sa Davao kung saan napatay ang isang bata nang masagasaan ng fire truck dahil sa pagresponde ng sunog.

Ayon sa Pangulo, hindi sapat na basehan ang sunog para angkinin ng mga bumbero ang kalsada.

Ayon sa Pangulo, nanganghulugan lamang ang sirena at blinker na tumabi ang ibang sasakyan dahil may rinirespondehang emergency.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page