MPBL: Davao Occ. at Manila, nanggulat; Gensan wagi

Photo: Maharlika Pilipinas Basketball League
Pinahirapan muna sa laro ang Davao Occidental at Manila bago nila tinalo ang kani-kanilang kasagupa sa Chooks-to-Go MPBL Lakan Season noong Lunes ng gabi sa San Andres Sports Complex.
Sumandal ang Davao Occidental Tigers sa clutch triple ni Emman Calo sa nalalabing 8.8 segundo upang pahiyain ang Marikina Shoemasters, 85-83 at saka isinara ang elimination round sa South division na hawak ang 26-4 record.
Nakapanggulat ang Manila Stars mula sa tambalan nina Chris Bitoon at Aris Dionisio upang pisakin ang Zamboanga, 74-71, at tumapos na second seed sa North division na may hawak na 25-5 slate.Tulad ng inaasahan, nagtagumpay ang General Santos Warriors kontra sa Sarangani Marlins, 103-87, upang umakyat sa 17-12 sa South division.
Pormal na isinara ng GenSan ang pintuan ng playoffs nang magwagi kontra Cebu (15-14) at tapusin ang Sarangani na lagpak sa 1-29 tally. Ang tres ni Calo kasunod ng pag-block ni Yves Sazon sa corner buzzer-beater ang kumumpleto sa Davao Cocolife Tigers mula sa 76-81 deficit sa natitirang 1:17 minuto.
Nakagawa para sa Tigers ng 13 puntos si Joseph Terso, 11 points at 14 rebounds mula kay Mark Yee, at 11 points mula kay Yvan Ludovice. May 23 puntos para sa Marikina at 11 boards mula kay Yves Sazon habang may 18 points na dagdag at 12 rebounds mula kay high-leaper Renato Ular.
Nakalalamang ang Manila, 70-71 sa homestretch, nang ipasa ni Bitoon kay Dionisio ang bola para sa isang alley-oop layup bago dumagdag ng free throws para sa final tally. May tig-14 puntos sina Bitoon at Jollo Go para sa Manila, habang si Mark Dyke ay may 13 points at 13 rebounds, kasunod ni Marvin Hayes sa 12 points.
Tatapusin ang Lakan Season eliminations sa isang four-game bill sa Caloocan Sports Complex ngayong Miyerkules kung saan magsasagupa ang Batangas at Cebu ng 2 p.m. opener. Babanat ang Rizal kontra Marikina ng 4 p.m., ang Nueva Ecija ay makakalaban ang GenSan ng 6:15 p.m. at ang Mindoro ay kontra Caloocan ng 8:15 p.m.





Comments