Korporasyon, hindi puwedeng isang tao lang ang may-ari, dapat may nominee na tagasalo
- Persida Acosta
- Feb 12, 2020
- 2 min read
Dear Chief Acosta, Nais kong magtayo ng sariling negosyo at irehistro ito bilang one person corporation. Lahat ng mga kapatid ko ay may kani-kanya nang negosyo at ayaw nilang makisali sa itatayo kong kumpanya. Nais kong malaman kapag namatay ako, mabubuwag ba ang itatayo kong korporasyon? - Remar
Dear Remar, Para sa inyong kaalaman, nakasaad sa Section 124 ng Republic Act (R.A.) No. 11232 o mas kilala bilang “Revised Corporation Code of the Philippines” na ang nag-iisang stockholder ng one person corporation ay marapat na magtalaga ng nominee at alternate nominee na siyang papalit sa lugar ng stockholder sa pagkakataong ang nasabing stockholder ay mamatay o mawalan ng kapasidad. Partikular na nakasaad sa Section 124 ng nasabing batas:
“SEC. 124. Nominee and Alternate Nominee. – The single stockholder shall designate a nominee and an alternate nominee who shall, in the event of the single stockholder’s death or incapacity, take the place of the single stockholder as director and shall manage the corporation’s affairs.
The articles of incorporation shall state the names, residence addresses and contact details of the nominee and alternate nominee, as well as the extent and limitations of their authority in managing the affairs of the One Person Corporation.
The written consent of the nominee and alternate nominee shall be attached to the application for incorporation. Such consent may be withdrawn in writing any time before the death or incapacity of the single stockholder.” (Binigyang-diin)
Ang nasabing nominee o alternate nominee ang siyang tatayo bilang direktor ng korporasyon kung saan siya na ang mangangasiwa sa lahat ng transaksiyon ng nasabing korporasyon.
Nawa ay nasagot namin ang inyong mga katanungan. Nais naming ipaalala sa inyo na ang opinyong ito ay nakabase sa inyong mga naisalaysay sa inyong liham at sa pagkakaintindi namin dito. Maaaring maiba ang opinyon kung mayroong karagdagang impormasyong ibibigay. Mas mainam kung personal kayong sasangguni sa isang abogado.





Comments