top of page
Pokwang.jpg

Kalat na sa socmed: nCoV, Biological weapon ng China?

Ka Ambo
Feb 12, 2020
1 min read

MAY exposé sa social media tungkol sa China na maaaring magpaguho sa partido-komunista. Ibinunyag na biological weapon ang nCoV. Totoo kaya ‘yun?

****

KUNG totoong bio weapon ang nCoV, sino ang may hawak ng antidote? Ang rebolusyon sa China, buong mundo ang apektado ng collateral damage!

****

NOBENTA porsiyento nang isasarado ang ABS-CBN. Libu-libo ang mawawalan ng trabaho!

****

NAG-PANIC ang management, artists-talents at media personnel sa biglang pagsasarado sakaling walang prangkisa na makuha ang ABS-CBN. Sa kalagitnaan ng Marso ang expiration ng prangkisa. Himala ang kailangan ng pamilya Lopez!

****

DELIKADO rin ang U.S. sa pagkansela ng Visiting Forces Agreement (VFA). Mas delikado ang Pilipinas kapag nagdeklara ng economic sanctions ang U.S.!

****

KAPAG nagalit ang U.S., matutulad ang Pilipinas sa Venezuela, mababangkarote ang gobyerno at ekonomiya. Si P-Duterte ang sisisihin ng taumbayan!

****

MASELAN ang senaryo, maaaring gamitin ng U.S. ang isyu sa ABS-CBN para mapabagsak si P-Digong. Pero kapag sumali ang AFP, magiging masalimuot ang sitwasyon!

****

HINDI matutulungan ng China si P-Digong kasi apektado sila ng mas grabeng problema sa nCoV. Magdasal tayong huwag maganap ang senaryong ito. Kawawa ang milyun-milyong Pinoy!

****

NAGMAMASID lang ang Liberal Party. Puwede nilang maagaw ang gobyerno nang walang kahirap-hirap!

****

Pero, kahit anong kasalanan ni P-Digong, hindi siya maparurusahan. Matanda na kasi siya!

****

RERESBAKAN ng mga anti-Digong ang kanyang mga amuyong. Paliliguan sila ng iba’t ibang kaso kahit imbento lang!

****

DAPAT nating maunawaan na excellent ang satisfactory rating ni P-Digong. Panoorin natin kung paano ire-reverse ‘yan ng kanyang mga kalaban katuwang ang mga dayuhan!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page