top of page
Alex Eala at Sandro Marcos - FB.jpg

Hindi kailangan ng malaking budget, romantic pa rin... Tipid na paraan ng pagde-date ngayong V-Day

  • Justine Daguno
  • Feb 12, 2020
  • 2 min read

Dalawang tulog na lang, Valentine’s Day na, kaya siguradong karamihan sa atin ay nagpaplano na kung paano ito ise-celebrate kasama ang ating mahal sa buhay.

Kasabay ng bawat selebrasyon ang hindi maiwasang paggastos. Pero ‘wag mag-alala dahil puwede nating maitawid ang Araw ng mga Puso nang hindi nabubutas ang ating bulsa. Kaya naman, narito ang ating romantipid date ideas ngayong V-Day:

1. SUNSET BY THE BAY. Dahil rehabilitated na ang Manila Bay, puwede na itong puntahan bilang dating spot ng mga lover. Tulad noon, sobrang romantic pa rin ‘yung moment na sabay n’yong panonoorin ang paglubog ng araw habang pinag-uusapan ang mga bagay na tungkol sa inyo.

2. PICNIC SA LUNETA. Public place ito, meaning, libre ang entrance o walang babayarang anumang reservations tulad sa mga mamahalin at sikat na resto. Oks lang na magbaon kayo ng pagkain o bumili sa mga turu-turo o street foods at ‘yun na, nakapag-date na kayo nang hindi gumagastos nang malaki.

3. NIGHT MARKET. May mga night market ngayon na puwede n’yong puntahan at paniguradong mag-e-enjoy kayo dahil marami kayong mapagpipiliang damit, sapatos at iba pa sa murang halaga. Siguradong perfect ito, lalo na kung mahilig mag-shopping ang asawa o GF mo. Imagine, nakapag-date na kayo, naipag-shopping mo pa siya.

4. MUSEUM HOPPING. Perfect dating place rin ang museum, lalo na kung pareho kayong curious at maraming gustong malaman tungkol sa mga bagay-bagay. Napakaraming museum na ang entrance fee ay sobrang affordable kung saan madalas ay nagre-range lang ito ng less than P100 at meron ding free entrance depende kung ano’ng klase ng museum ang trip n’yong puntahan.

5. DINNER SA BAHAY. Siyempre, ang pinakaswak sa budget na date ay ang simpleng dinner sa bahay. Magluto kayo ng paborito ninyong pagkain, manood ng movies sa TV o magkuwentuhan lang. ‘Ika nga, ‘pag ang date ay intimate o mas private, mas meaningful ang moment.

Totoong masaya ang mag-effort para sa taong mahalaga sa iyo, pero dahil sa panahon ngayon, madalas, hindi marunong makisama ang laman ng wallet mo sa mga bagay na gusto mong gawin. Well, wala namang problema kung hindi bonggang date dahil ang mahalaga sa araw na ‘yun ay kasama mo ang mahal mo sa buhay. Gets mo?

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page