Gobyerno, pinaghahanda na sa epekto ng pagpapa-terminate ng VFA

Kinakailangan na umanong marepaso ngayon ng gobyerno ang mga istratehiya at plano nito tungkol sa depensa at seguridad ng Pilipinas kasunod ng pagpapakansela ng VFA sa Estados Unidos.
Ayon kay Muntinlupa City Rep. Ruffy Biazon, vice-chairman ng House Committee on National Defense and Security, mahalagang matukoy ang mga kinakailangang pagbabago tungkol sa deployment ng military assets at iba pang resources, pakikitungo sa iba pang foreign counterparts at alyansang militar sa ibang mga bansa.
Aniya, mahalagang maikonsidera ang nasabing development sa pag-aaral at paghimay ng 2021 National Budget upang maisama na sa alokasyon ang pagpondo sa mga hakbang na tutugon sa magiging security gap dahil sa pagbasura sa tratado.
Inihihirit naman ni Bayan Muna Partylist Rep. Ferdinand Gaite na idamay na rin sa pagbasura ng gobyerno ang Mutual Defense Treaty sa US.





Comments