Dilawang madre at pari, racist, sa galit kay P-Digong, pati mga Chinese idinamay
- Bobi Tiglao
- Feb 12, 2020
- 2 min read
Ibang klase talaga ang kasikatan ni Pangulong Rodrigo Duterte. Isipin ninyo, tinawagan siya ni U.S. President Donald Trump para lamang makiusap na huwag ibasura ang Visiting Forces Agreement (VFA) sa pagitan ng Pilipinas at U.S.?
Ibinisto ni Pangulong Duterte ang pagtawag sa kanya ni Trump sa talumpati nito sa harap ng local chief executives sa Pasay City, “Ngayon, I’ll make it public. Because public official ako. Si Trump, pati ‘yung iba ay sinusubukang maisalba ang VFA. Sabi ko, ayaw ko.”
Ang VFA ay tila pagpapatuloy lang ng pagiging kolonya ng Pilipinas sa U.S. kung saan humihingi tayo palagi sa kanila ng tulong-pinansiyal at iba pa.
Pero ang kapalit nito ay kasama na tayo sa mga magiging target ng mga kalaban ng U.S. at may posibilidad pang gawing taguan ng nuclear weapons ang ating bansa.
Tila hindi matitinag ang pangulo sa desisyon nitong ibasura ang VFA. Nagsimula ito noong ikinansela ng U.S. ang visa ni Sen. Ronald “Bato” dela Rosa, isa sa mga opisyal ng bansa na itinuro ng U.S. Senate na nagpakulong kay Sen. Leila de Lima.
Lahat ng may kinalaman o sangkot sa pagkakaaresto at pagkakakulong ni Sen. De Lima ay hindi na maaaring pumunta sa U.S. kasama na si Pangulong Duterte.
Pero sa totoo lang, ang tunay na isyu ay mas malalim, hindi lamang ito tungkol sa visa. Ang mahalagang tanong ay kung bakit hanggang ngayon ay nakikialam pa rin ang Estados Unidos sa ating “domestic affairs”?
Walang alam ang mga taga-U.S. sa tunay na pangyayari sa kaso ng detinadong senadora. Malakas ang kaso laban sa kanya, maraming ebidensiya at testigong tumanggap siya ng pera mula sa mga drug lord.
Noong si Sen. De Lima ang namumuno sa Department of Justice (DOJ), lumakas nang husto ang kalakaran ng ilegal na droga sa bansa.
Sa kanyang termino, naging ‘headquarters’ ng ilegal na droga ang Bilibid kung saan binibisita pa raw niya ang mga ito.
Nakadidismaya talaga ang gobyerno ng Estados Unidos, lalo na ang mga Democrats na senador na sina Dick Durbin at Patrick Leahy.
Sila ang may pakana ng probisyon sa batas na i-ban sa U.S. ang mga opisyal at iba pang may kinalaman diumano sa “maling” pagkakulong ng senadora.
Si Trump ay miyembro ng Republican Party kaya maaaring hindi niya napansin ang pagsingit ng mga ito sa isang batas na dapat sa budget lang nakatutok.
Dagdag pa ni Pangulong Duterte, “One is that napakabastos ng Amerika. Sobrang bastos. Imagine, demanding the release of De Lima under threat that we will not receive the aid at may kulatilya that all persons who had a hand in the imprisonment of De Lima will not be allowed to go to the United States. P****** i**, ano ba ang nasa Amerika?”




Comments