top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Sinampahan ng physical injuries, frustrated homicide ang naging hatol ng judge

  • Persida Acosta
  • Feb 11, 2020
  • 2 min read

Dear Chief Acosta, Sinampahan ako ng kasong physical injuries at ito ang isinumite ng fiscal na kaso sa korte. Subalit, noong lumabas ang desisyon ng trial court, ako ay nagulat at ang inihatol ng judge sa akin ay kasong frustrated homicide. May nagpaliwanag sa akin na kaya raw ganito ang naging hatol sa akin ng judge kahit pa iba ang pamagat ng impormasyon ay dahil daw iyong katawan at pagpapaliwanag sa impormasyon daw ay sadya namang bumubuo sa kasong frustrated homicide, kahit pa ito ay taliwas sa pamagat na nagsasaad na physical injuries lamang. Nalilito ako sa mga nangyari, maaari ba talagang maging iba ang hatol sa pamagat ng impormasyong isinumite sa korte? - Dina

Dear Dina, Ayon sa mga desisyon ng Korte Suprema, isinasaad na ang controlling o mananaig ay kung ano ang nakasulat sa katawan ng impormasyon. Dahil dito, sa kasong Canceran vs. People (G.R. No. 206442, July 1, 2015; Ponente: Honorable former Associate Justice Jose C. Mendoza), inilahad ng Korte Suprema ang prinsipyo na sa pagitan ng titulo ng impormasyon at sa kung alin ang nakasaad sa katawan nito, ang nakasaad sa katawan ng impormasyon ang mananaig, viz:

“What is controlling is not the title of the complaint, nor the designation of the offense charged or the particular law or part thereof allegedly violated, these being mere conclusions of law made by the prosecutor, but the description of the crime charged and the particular facts therein recited. The acts or omissions complained of must be alleged in such form as is sufficient to enable a person of common understanding to know what offense is intended to be charged, and enable the court to pronounce proper judgment. No information for a crime will be sufficient if it does not accurately and clearly allege the elements of the crime charged. Every element of the offense must be stated in the information.”

Yamang ang desisyon ay ibinase naman sa kung alin ang mga nakasaad na nangyari at mga ebidensiyang naipresenta, kahit pa man mayroong discrepancy o pagkakaiba sa titulo ng impormasyon at sa katawan nito, ito ay itinuturing pa rin na wastong desisyon base sa nabanggit na desisyon ng Korte Suprema.

Nawa ay nasagot namin ang inyong mga katanungan. Nais naming ipaalala sa inyo na ang opinyong ito ay nakabase sa inyong mga naisalaysay sa inyong liham at sa pagkakaintindi namin dito.

Maaaring maiba ang opinyon kung mayroong karagdagang impormasyong ibibigay. Mas mainam kung personal kayong sasangguni sa isang abogado.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page