top of page
WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated.j

Presyo ng manok, isda at gulay, sinasamantala dahil sa ASF sa baboy

Ryan B. Sison
Feb 11, 2020
1 min read

Boses ni Ryan B. Sison

Hindi pa rin bumababa ang presyo ng manok. Ito ang natuklasan ng Department of Agriculture (DA) kaya sa susunod na dalawang linggo, maglalabas na ng suggested retail price (SRP) ang ahensiya para sa manok, isda at gulay.

Ayon kay DA Assistant Secretary at Spokesperson Noel Reyes, marami pa ring nananamantala sa presyuhan ng manok at mula noong Holiday Season, hindi pa rin bumababa ang presyo nito.

Ito ay dahil alam umano ng mga negosyante na maraming mamimili ang umiiwas muna sa pagbili ng baboy dahil sa African Swine Fever (ASF).

Dagdag pa ni Reyes, nananatiling mataas ang presyo ng galunggong sa merkado.

Hindi porke umiiwas sa baboy ang mamimili ay dapat nang taasan ang presyo ng ibang bilihin.

Wala naman sanang lamangan dahil kung gusto n’yo ng dagdag-kita, ‘wag naman sa ganitong paraan.

Isipin din natin ang mga mamimili na nagsisikap mapagkasya ang budget sa pagkain kaya please lang, ‘wag pera-pera.

Para naman sa mga kinauukulan, maging mahigpit din sana ang pagmo-monitor kung nasusunod ang SRP at hindi nasasamantala ang mga mamimili.

Kapag napatunayang lumabag, dapat turuan agad ng leksiyon nang sa gayun ay hindi na makaulit pa.

Tayo namang mamimili, ‘wag tayong mahiyang magsumbong sa mga awtoridad ‘pag nakaengkuwentro tayo ng abusadong tindero para agad maaksiyunan.

Para sa inyong opinyon, sumbong, hinaing o nais hinging tulong ito ang pagkakataong marinig ang inyong boses, sumulat lamang sa BOSES ni RYAN SISON at ipadala sa Bulgar Bldg. 538 Quezon Avenue, Quezon City o mag-email sa boses.bulgar@gmail.com.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page