top of page
TEKA NGA - MARIEL, KUMALAT NA TATAKBONG SENADOR, NILAIT NG NETIZENS_IG _marieltpadilla.jpe

Mga Produktong made in China, out: Made in USA, in

Ka Ambo
Feb 11, 2020
2 min read

Nakopo ng pelikulang Parasite ng South Korea ang Best Picture award sa prestihiyosong Academy Awards o mas kilala bilang Oscars sa U.S..

Klik talaga ang tema ng epidemya!

◘◘◘

KABILANG ang dalawang heneral sa mga sang­kot sa illegal drugs.

Huh, na naman?

◘◘◘

BIO warfare raw ng China ang nCoV pero na­bulilyaso.

Meaning, sila ang “unang nakatuklas”!

◘◘◘

TINANGGAP na ng mga taga-Tarlac ang mga OFW na lumikas mula sa Wuhan City, China.

Inakusahan silang “utak-Aquino”!

◘◘◘

NABABAWASAN na ang biyahe ng eroplano at barko mula at patungo sa China.

Malinaw na apektado ang ekonomiya ng buong mundo!

◘◘◘

BIHIRA na rin ang mga bumibili ng “made in China”.

Mas bokya ang mga “made in Wuhan”!

◘◘◘

BABALIK ang mga tao sa merkado ng U.S..

Babahang muli ng PX goods sa Clark!

◘◘◘

ISINUMBONG na ng gobyerno ang ABS-CBN sa Korte Suprema.

Hindi na ito biro!

◘◘◘

TANGING ang North Korea na lamang ang hindi napapasok ng nCoV.

Nakatulong nang malaki ang solitaryo sa panahon ng epidemya!

◘◘◘

WALANG ulat kung nakapasok sa Iran ang nCoV.

‘Yan ang dapat malaman ng U.S.!

◘◘◘

AYAW madamay ng Taiwan sa epidemya ng Mainland China.

Ang problema, bahagi sila ng China batay sa “one China policy” sa daigdig!

◘◘◘

MASISIRA ng ekonomiya ang negosyo sa Singapore at Hong Kong.

Walang duda, mahahawa na ang buong mundo!

◘◘◘

NATABUNAN na ng ulat sa nCoV ang trahedya sa Bulkang Taal.

Kawawa naman ang mga taga-Batangas!

◘◘◘

HINDI rin napapansin ang pagkatuyot ng mga dam.

Isang trahedya na walang gumagawa ng so­lusyon!

◘◘◘

UMIINIT na sa Metro Manila.

‘Yan ang tutunaw sa lahat ng virus!

◘◘◘

BANGKAROTE na rin ang turismo at aviation industry.

Apektado ang ordinaryong mamamayan!

◘◘◘

IISA ang nakikinabang sa epidemya at krisis.

Ito ay ang mga negosyong nakadikit sa social media!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page