top of page
SHEET - CLAUDINE, NAPIKON NA TINAWAG NA BIPOLAR, MAGDEDEMANDA_FB Claudine Barretto.jpeg

Menor-de-edad ang target.. Ex-seaman, nakikipagkilala sa chat, ka-date dadalhin sa hotel para i-rape

Jun R. Guillermo
Feb 11, 2020
2 min read

Personal na nagtungo sa himpilan ng Special Mayors Reaction Team (SMaRT) sa Maynila ang isa sa mga magulang ng menor-de-edad na biktima upang ireklamo ang panghahalay sa kanyang anak. Kaya, nagsagawa ng surveillance operation ang mga operatiba ng SMaRT sa pangunguna ng kanilang hepe na si P/Major Rizalino Ibay.

Sa hangaring mabigyan agad ng magandang resulta ang reklamo, dinakip ng mga operatiba ng SMaRT, kasama ang MPD-Sampaloc Police, ang suspek na 45-anyos at dating seaman na si Francisco Zorillo sa kanto ng C.M. Recto Avenue at Nicanor Reyes St., Sampaloc, Manila.

Nabatid na modus ng demonyong suspek ang maghanap ng bibiktimahin sa pamamagitan ng social media kung saan nakikipagkaibigan muna ito sa biktima at aalukin na magkita sila.

Sa pakikipag-chat pa lang ay sisilawin o pakikitaan na nito ang biktima ng maraming pera at yayayaing kumain sa fastfood chain, pagkatapos ay dadalhin sa motel. (Parang ganito rin ang modus na inilathala natin kamakailan lang na nangyari sa Malabon kung saan ang pagiging “pogi” naman ang ginagamit ng walanghiyang suspek. Teka, hindi kaya ito rin ‘yung suspek na tinutukoy natin?)

Ayon sa pahayag ng nanay ng biktima sa police blotter, minolestiya at hinalay ang kanyang anak at pagkatapos ay binigyan ng suspek ng P1,000.

Sa interogasyon sa suspek, inamin nitong labing-isang babae na ang nabiktima niya mula pa noong 2019, ayon na rin kay P/Major Ibay, nananawagan ito sa mga magulang na gabayan at bantayan ang kanilang mga anak sa paggamit ng social media para hindi mapahamak.

Ikaw kaibigan, ano’ng sey mo?

Palaging tatandaan, walang maloloko kung walang magpapaloko! Ligtas ang may alam.

Kaya ikaw, ako, tayo … mag-ingat!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page