top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Ceres Negros vs. Cambodia sa AFC Cup

  • A. Servinio
  • Feb 11, 2020
  • 2 min read

Sisimulan na ang kampanya ng Ceres Negros at Kaya Iloilo sa 2020 AFC Cup. Haharapin ng Ceres ang bisitang PKR Svay Rieng ng Cambodia ngayong 7 p.m. sa Rizal Memorial Stadium habang ang Kaya ay darayo sa Myanmar para hamunin ang Shan United bukas sa Thuwanna Stadium.

Kagagaling ang Ceres sa tatlong matinding laro sa 2020 AFC Champions League at malaking bagay ito sa kanilang paghahanda para sa AFC Cup.

Magbabalik sa aksyon si kapitan Stephan Schrock matapos hindi maglaro sa kanilang 0-2 na talo sa FC Tokyo noong Enero 28 at sasamahan niya para buhatin ang Busmen na sina Bienvenido Maranon, Robert Lopez Mendy, OJ Porteria, Roland Muller at ang bagong pirmang si Manny Ott na kapatid ni Mike Ott.

Ang Svay Rieng ang kampeon ng 2019 C-League at kinailangan nilang talunin ang Master 7 ng Laos noong Enero upang makapasok sa AFC Cup. Ang iba pang mga makalalaro ng Ceres at Svay Rieng sa Grupo G ay ang Bali United ng Indonesia at Than Quan Ninh ng Vietnam.

Tahimik man sa una, gumawa ng ingay ang Kaya noong nakaraang linggo matapos nilang ipakilala ang bagong coach na si Oliver Colina ng Cebu at mga bagong manlalaro na si Daizo Horikoshi at Takumi Uesato ng Japan, Carlyle Mitchell ng Trinidad and Tobago at si Roberto Corsame na lumipat galing Mendiola 1991 upang samahan ang mga kasalukuyan at dating PHL Azkals na sina kapitan Jovin Bedic, Simone Rota, Kenshiro Daniels, Connor Tacagni at goalkeeper Michael Casas.

Pasok agad ang Ceres sa AFC Cup sa bisa ng kanilang doble kampeonato sa 2019 Philippines Football League (PFL) at 2019 Copa Paulino Alcantara. Pumangalawa ang Kaya sa Busmen sa dalawang kompetisyon. Para sa mga nais manood sa Ceres at Svay Rieng, maaaring pumila sa takilya ng Rizal Memorial simula 5 p.m. Libre at walang bayad subalit kailangang kumuha ng tiket.

Laro ngayong Martes – Rizal Memorial Stadium: 7:00 Ceres Negros vs. PKR Svay Rieng.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page