top of page
WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated.j

Break na raw, pero parang walang nangyari… James at Nadine, together again basta gimikan

Beth Gelena
Feb 11, 2020
1 min read

Beth Gelena / Bulgary Files

Nagkabalikan na ba (nag-break ba talaga?) ang mag-ex na sina James Reid at Nadine Lustre?

Kahit kasi in-announce nilang nag-break sila, madalas pa rin silang makitang magkasama lalo na sa mga parties o gimikan.

Pagkatapos silang makitang magkasama sa isang event sa Makati nu’ng nakaraang linggo, naispatan naman sila na parehong nasa party ng kanilang kaibigang si JM Rodriguez.

Sa larawang ipinost ni JM, hindi mo aakalaing break na ang dalawa. Masaya silang nakikihalubilo sa mga kaibigan at magkasama pang nagpapakuha ng larawan.

Komento ng mga netizens: “Party people talaga. Buti happy sila.”

“Nadine, if by any chance you’re reading this, you have to discern what is it that you really want in your life. Just a sisterly advice, Nadine, maski 2020 na ngayon. No charot!”

“Nadine and James lookin’ at the public like: we got ‘em good!’”

Tama lang naman daw ang ginagawa ng mag-ex na maging best of friends. Ipinakikita lang nila na they remain friends sa kabila ng paghihiwalay nila.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page