top of page
WINNER - LEA, IN-UNFOLLOW SINA RM AT J-HOPE NG BTS, TINAWAG NA CLOUT CHASER NG FANS-IG _ms

Adamson, umusad sa UAAP girl's basketball finals

  • VA
  • Feb 11, 2020
  • 1 min read

Namayani muli ang unang finalist Adamson at hinarang ang tangka ng University of Santo Tomas na pag-usad sa UAAP Season 82 girls’ basketball finals, 70-64, kahapon sa Paco Arena.

Ito ang ikalimang sunod na panalo ng Lady Baby Falcons na nagbaba naman sa Junior Tigresses sa 3-2, panalo-talong rekord. Pinamunuan ni Joan Camagong ang tagumpay ng Lady Baby Falcons sa iniskor na 19 puntos at 13 rebounds, at Crisnalyn Padilla na mayroon ding 19 puntos, bukod sa 6 na assists at 3 steals.

Nasayang naman ang ipinoste ni Erika Danganan na 25 puntos at 11 rebounds dahil ‘di nito naisalba sa kabiguan ang Junior Tigresses.

Dahil dito, binigyan ng UST ng pag-asa ang DLSU Zobel upang makahabol sa finals matapos nitong igupo ang out of contention ng Ateneo, 88-24.

Dulot ng naturang panalo ay umakyat ang Junior Lady Archers sa kartadang 2-3. Maaari pa silang humirit ng playoff para sa huling semifinals slot kung matatalo nila ang UST sa Sabado upang magtabla sila sa markang 3-3.

Samantala, nanatiling walang panalo ang Junior Lady Eaglets matapos ang limang laban.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page