V-Day, bawal na dahil sa nCoV!
Halos 1,000 na ang namamatay dahil sa nCoV.
Araw-araw parami nang parami!
◘◘◘
WALA pa rin gamot kontra sa virus.
Bawal na ang Valentine’s Day celebration!
◘◘◘
BIGO ang mga eksperto na makatuklas ng vaccine kontra nCoV.
Isang kahinaan ng tao!
◘◘◘
KAPAG patuloy na dumami ang mga casualties, magmu-mutate ang virus sa mas malalang sakit.
‘Yan ang delikado!
◘◘◘
SA mutation, aktuwal nang magiging host ng supervirus ang katawan ng tao.
Magiging peste ito na lilipol ng populasyon ng China!
◘◘◘
ANG epidemya ay maaaring kumakat sa buong mundo na ubod nang bilis.
Walang radar na makade-detect ng virus!
◘◘◘
INIINGATAN ng bawat gobyerno na madale ng epidemya ang mga kampo-militar.
Kapag nalipol ang mga sundalo, mapagkakamalan na may biological war na nagaganap!
◘◘◘
PINAG-AARALAN na ng ilang observers kung ano ang dapat gawin sakaling totoo ang ulat na susunugin o papatayin na lang ang mga nasa critical condition.
Parang sa African Swine Fever (SWF), mina-massacre ang mga baboy para mapigil ang epidemya!
◘◘◘
KAPAG nagpatuloy ang paglala ng sitwasyon sa loob ng dalawang buwan hanggang Marso, malagim ang masasaksihan ng buong mundo.
Maraming gobyerno ang magdedeklara ng state of emergency!
◘◘◘
SAKALING maging grabe ang sitwasyon at nagpoprotesta ang mga LGUs sa desisyon at aksiyon ng gobyerno — maaaring ideklara ang Martial Law.
Ang Martial Law ay hindi maiiwasan kapag lumala ang epidemya upang makontrol ng gobyerno ang sitwasyon!





Comments