Pag-i-import ng baboy sa Czech Republic, stop dahil sa H5N8

Bawal muna sa Pilipinas ang poultry products ng Czech Republic.
Ito ay kasunod ng pagpapalabas ng Memorandum Order No. 13 ni Agriculture Secretary William Dar na nag-uutos ng temporary ban sa importasyon ng poultry products sa naturang bansa dahil sa kontaminasyon ng H5N8 o Highly Pathogenic Avian Influenza (HPAI) roon.
Batay sa ulat ng State Veterinary ng Czech Republic sa World Organization for Animal Health, may H5N8 outbreak sa bansa.
Gayunman, bukod sa manok at iba pang poultry products, bawal din ang semen, day old chick, wild at domestic chick mula sa Czech Republic.
Nilinaw ni Sec. Dar na layunin ng hakbang na mapangalagaan ang poultry industry sa Pilipinas at maprotektahan ang kalusugan ng mamamayan mula sa sakit na idudulot nito sa tao.
Mula noong nakaraang taon, libu-libong baboy na ang tinamaan ng African Swine Fever (ASF) kaya maraming negosyante ang nalugi at labis na naapektuhan ang industriya.
Kahit hindi alam kung paano itataguyod ang negosyo, walang choice ang mga hog raiser kundi i-surrender ang kanilang mga alagang baboy para isailalim sa culling.
Maraming naniniwalang mapipigilan sana ang ASF kung naging mahigpit ang proseso ng pag-i-import ng karne sa bansa.
Ngayong may H5N8 outbreak sa Czech Republic, tama lang na magpatupad ng ban dahil kung pati ito ay makapapasok sa Pilipinas, tiyak na apektado na naman ang industriya.
Kung nagsisimula ang outbreak sa iba’t ibang bansa at nakapapasok lang sa atin dahil sa pag-i-import, baka naman puwedeng ‘wag nang mag-import.
At kung may pagkukulang man sa supply natin, mas mabuting pagtulungan itong mapalago para hindi na kailanganing mag-import, gayundin, upang suportahan at lumakas ang ating agrikultura.
Para sa inyong opinyon, sumbong, hinaing o nais hinging tulong ito ang pagkakataong marinig ang inyong boses, sumulat lamang sa BOSES ni RYAN SISON at ipadala sa Bulgar Bldg. 538 Quezon Avenue, Quezon City o mag-email sa boses.bulgar@gmail.com.





Comments