top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Maraming ubas, talong at bulaklak, sign na hindi lang lalaki ang maaakit kundi pati tibo at may sabi

  • Socrates Magnus
  • Feb 10, 2020
  • 1 min read

Salaminin natin ang panaginip ni Sheryl ng Sheryl_Torres@facebook.com

Dear Professor,

Nanaginip ako na ang daming bunga ng ubas at marami ring bunga ng talong saka ang daming halaman na may mga bulaklak. Ano ang ibig sabihin nito?

Maraming salamat!

Naghihintay,

Sheryl

Sa iyo Sheryl,

Ayon sa iyong panaginip, dumating na ang mga araw kung kailan napakalakas ng iyong likas na gayuma. Huwag kang mabibigla dahil maaaring sabihin na ikaw ay may gayuma na para bang hindi lahat ng tao ay may gayuma. Kaya para mas malinaw, ang lahat ng tao ay nilikha na may gayuma.

Dahil ang Dakilang Manlilikha ay higit na marunong o mas maalam kaysa sa lahat, alam Niya na sa pag-aasawa, ang pagkakaroon ng gayuma is a “must”, kumbaga, hindi maka­pag-aasawa ang tao kung siya ay hindi binigyan ni God ng gayuma.

Sinasabing ang main purpose kung bakit ginawa ang tao ay para dumami, kaya ang pag-aasawa ay para sa reproduction ng mga tao at ang pananaw na ito ay biologically true.

Gayunman, hindi lang naman sa pag-aasawa nagagamit ang gayuma dahil ito rin ay para lumigaya ang tao dahil walang mabuting kauuwian ang taong nabubuhay sa kalungkutan, gayundin, ang pananaw na ito ay psychologically true.

Sabi ng iyong panaginip, muli, napakalakas ng gayuma mo kaya makikita mo na ang opposite sex and same sex ay naaakit mo. Huwag kang matakot, pero mag-ingat ka rin da­hil ang mga wala nang karapatan ay magiging bahagi ng buhay mo, kaya mas magandang sa mga magagayuma mo, mamili ka ng hindi magbibigay sa iyo ng problema.

Bilang pagtatapat sa iyo, gamitin mo ang iyong gayuma sa lahat ng gusto mong gawin.

Hanggang sa muli,

Professor Seigusmundo del Mundo

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page