top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Kita ng gobyerno, apektado.. Giyera sa ilegal na sugal, aprub

  • BRT
  • Feb 10, 2020
  • 1 min read

Suportado ng Kongreso ang kampanya ng Philippine National Police (PNP) laban sa lahat ng uri ng ilegal na sugal sa bansa.

Ayon kay ACT-CIS Cong. Eric Yap, chairman ng Committee on Games and Amusement, tama ang hakbang ni PNP Chief Gen. Archie Gamboa dahil pinapatay ng ilegal na sugal ang mga lehitimong games ng Philippine Charity Sweepstakes Offices (PCSO) at Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR).

“Dahil sa illegal gambling kaya konti lamang ang pumapasok sa kaban ng bayan at sa bulsa lamang ng iilang korap na mga opisyal at nagpapatakbo ng bawal na sugal napupunta,” ani Cong. Yap.

Tiwala rin ang mambabatas na magagampanan ng hepe ang nasabing kampanya laban sa ilegal na sugal.

“Wala kasi siyang vested interests sa illegal gambling kung kaya’t kaya niya itong ipasara at sibakin ang kanyang mga tauhan na hindi tatalima sa kanyang kautusan na one strike policy sa ilegal na sugal”.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page