top of page
BULGARY - LUCAS LORENZO, NA-BANNED DAW SA GOLF DAHIL SA SABLAY NA ASA-IG _juliabarretto.jp

Figueroa, MVP ng UAAP Season 82 Juniors

  • VA
  • Feb 10, 2020
  • 1 min read

Ang Adamson forward na si Jake Fi­gue­roa ang Most Valuable Player ng UAAP Season 82 Juniors Basketball Tournament.

Naging runaway winner si Figueroa matapos nitong magtala ng kabuuang 73 statistical points sa double round eliminations. May 6.21 puntos ang kanyang naging kalamangan sa pinakamalapit na katunggali niyang si Josh Lazaro ng Ateneo. Nagtala ang 6-foot-2 at tubong Pampanga na si Figueroa ng average na 13.21 puntos, 14.14 rebounds, 3.14 assists, 1.64 steals, at 1.21 blocks kada laro. Giniyahan din niya ang Baby Falcons sa pagsulong nila sa stepladder semifinals makaraang makamit ang 4th seed sa taglay nilang 8-6, panalo-talong rekord. Siya rin ang unang Juniors MVP buhat sa Adamson mula noong Season 71 nang magwagi si Mark Jurue­na ng naturang pangunahing individual award.

Kasama niya sa top 5 ng mga naglaban-laban para sa parangal si Lebron Lopez ng Ateneo na may 66.21 SP’s bilang pangatlo kasunod ng teammate na si Lazaro na may 66.79 SP’s. Nasa top 5 din sina Karl Quiam­bao ng National University (Nazareth School) na may 66.14 SP’s at Aldous Torculas ng UP Integrated School’s na may 65.57 SP’s.

Kasama nila at nasa top 10 sina University of Santo Tomas big man Bismarck Lina (65.5), UPIS standout Ray Torres (63.29), Cyrus Austria (60.46) ng UE, FEU-Diliman ace Penny Estacio (60.36), at Forthsky Padrigao (59.64) ng Ateneo.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page