top of page
WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated.j

Biktima nagsumbong.. CR ng babae nabuking na may camera

Maeng Santos
Feb 10, 2020
1 min read

Kalaboso ang isang maintenance nang madiskubre ang camera na kanyang inilagay sa loob ng banyo ng mga babae sa isang kumpanya sa Valenzuela City.

Nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9995 “Anti-Photo and Video Voyeurism Act of 2009” si Ereberto Narito, Jr., 29, ng Joyce St., Karuhatan. Alas-10:00 ng umaga, pumasok sa banyo ng kanilang pinagtatrabahuhan sa Superior Stock Farm Feedmills sa Bgy. Maysan, ang 23-anyos na secretary na itinago sa pangalang ‘Lorna’ nang mapansin nito ang light bulb ng camera.

Lumabas ang biktima at sinabi sa kanyang katrabaho na si ‘Mary Ann’ ang natuklasan kaya pinuntahan ito at tinanggal ang bulb kung saan nakumpirma na ang naturang bulb ay operated din sa CCTV.

Sa CCTV footage ng kanilang kumpanya ay nakita ang suspek na pumasok sa banyo ng mga babae noong February 6, 12:37 ng tanghali, na may bitbit na screw driver at napansin nila ang isang bagay sa loob ng kanyang bulsa.

Humingi ng tulong ang biktima sa security guard ng kanilang kumpanya na nagresulta sa pagkakaaresto sa suspek at narekober ang CCTV light bulb at cellphone ni Narito.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page