top of page
TEKA NGA - MARIEL, KUMALAT NA TATAKBONG SENADOR, NILAIT NG NETIZENS_IG _marieltpadilla.jpe

Basilan, pinasabugan ang Parañaque

MC
Feb 10, 2020
2 min read

Photo: Maharlika Pilipinas Basketball League

Tinapos ng Basilan ang elimination round stint sa napakadaling 89-71 na panalo kontra Parañaque sa Chooks-to-Go MPBL Lakan Season sa Marikina Sports Center.

Umasa ang team sa laro ni Gab Dagangon habang si Jay Collado ang namayani sa Jumbo Plastics Steel upang iposte ang ika-20 panalo kontra sa 10 talo at kunin ang third seed sa South Division playoffs.

Umiskor si Dagangon ng 26 points, may anim na tres, at tinapatan ang 15-rebound ni Collado, upang ibigay sa Steel ang homecourt advantage sa eight team playoffs.

Dumagdag si Michole Sorela ng 12 points habang si Anthony Bringas ay may 6 points at 11 rebounds nang mamayani para si Steel ni Coach Jerson Cabiltes ang team, 66-48.

Isinara ng Patriots ang kampanya sa may 31-team field sa bisa ng 8-22 card. Bagamat wala na sa kontensiyon, nakapanalasa pa rin ang Bacolod sa panalong 76-69 kontra Bulacan Kuyas.

May 14 si Jess Mar Villahermosa habang sina Jerick Canada at Simon Camacho ay may tig-10 puntos nang pahiyain ng Bacolodnons ang Kuyas na may 11-19 win-loss sa South.

Nasa 6th seed ang Kuyas sa North division na may hawak na 19-11 card. May dalawang dunk shot ang nagawa ni Renato Ular sa nalalabing 24.6 segundo upang palakasin ang sipa ng Marikina Shoemasters kontra sa makulit na Sarangani Marlins, 99-95 sa huling laro at umibayo sa 7-23.

Tumapos ang high-leaping 6-foot-3 at dating Letran Knights ng 24 puntos at 14 rebounds para sa Marikina na may 16 puntos din mula kay Von Tambeling, 13 kay Yves Sazon at 12 kay Daryl Pascual.

Ang Sarangani na lagpak sa 1-28 ay nakahablot ng 23 points mula kay Orin Catacutan at may 20 points dagdag ang 11 rebounds mula kay Pari Llagas.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page